Filipino: Wikang Mapagpalaya — GROUP 3
Sa gitna ng pagbabago sa mundo, mahalaga para sa atin ang mapanatili ang pagkakakilanlan bilang mga mamamayang Pilipino. Sa pagkakakilanlan, nakatayo ang ating wika, ang Filipino, isa sa pinakamahalagang simbolo ng pagkakaisa, pagiging malaya at pagiging Pilipino. Ang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas ay isang wika na nagbibigay kapangyarihan sa bawat Pilipino. Ito ay isang mahalagang yaman na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Ito ay isang wika na nagpapalaya sa atin mula sa mga kadena ng kolonyalismo, nagbibigay-daan sa atin na ipahayag ang ating mga saloobin at damdamin nang malaya, at nagbubukas ng daan sa pag-unlad at pagkakaisa. Ag wikang Filipino ay naging isa sa mahalagang bahagi ng ating pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang Filipino ay ginamit bilang isang lihim na wika ng mga rebolusyonaryo na nagbibigay-daan sa kanila na makipag-usap at magplano nang hindi napapansin ng mga mananakop. Sa panahon ng Ikalawang ...